Lakbay Sanaysay ( CEBU TRIP )
Lakbay Sanaysay o Travel Essay
CEBU TRIP
Simula bata pa lang pangarap ko nang maglakbay sa iba't-ibang lugar ma pa labas ng Pilipinas o dito lang sa Pilipinas. Tuwing bakasyon palagi kaming pumupunta sa Cebu dahil duon nakatira ang aking papa.Kung kaya’t hindi kataka taka na palagi kaming nagbabakasyon sa Cebu. Maraming magagandang lugar na pwedeng puntahan sa Cebu na dinadayo ng nga dayuhan galing sa iba’t ibang bansa.
Noong April 22, 2019 ay pumunta kami sa Sirao Garden , ang Little Amsterdam ng Cebu. Maraming magagandang bulaklak doon at sobrang ganda ng tanawin talagang Picture Instagram Worthy , kahit malayo ito sobrang sulit talaga ang byahe mo pagnakapunta ka doon. Maraming turista ang dumayo doon dahil sa sobrang ganda at nakakaakit na mga bulaklak. At ayon hindi kami nagpahuli at sinulit namin yung bakasyon trip namin. Unang trip namin yon magpamilya. Ang ikalawang lugar na aming pinuntahan ay ang Top of Cebu , isang napagandang tanawin ang bubungad sa iyo kapag pupunta ka dito mo makikita ang ganda ng Cebu. Maganda ang pagkakagawa ng lugar dahil tampok dito ang mga indigenous na pagkagawa , parang nahating bilog ang porma nito na may katamtamang laki ang lugar. Marami kaming nakita na mga dayuhan at syempre hindi mawawa ang pagkuha ng larawan.
Sulit ang naging bakasyon ko sa Cebu kahit sa maikling panahon lamang ay nakagawa kami isang alaala na hinding hindi ko makakalimutan at babaunin ko ito sa aming pag uwi sa mindanao. Sobrang saya ko dahil natupad din ang pangarap ko na makapaglibot sa Cebu at sa susunod na byahe ng aking buhay ay mas dadamihan ko pa ang gagawin kung mga alaala na aking iuukit sa aking puso’t-isip.
Sanaol mana sa lakbay sanaysay HAHHAA
ReplyDelete